Sunday, May 22, 2011

Tama?

April 26, 2011
Real_07


Papaano mo malalaman na ang bawat galaw mo ay tama?
Wala namang nagsasabi kung itoy maganda o masama,
Papaano mo malalaman na umiibig kana,
Kung wala namang nagtuturo na siya na nga?

Iilan lang ito sa mga tanong natin sa ating sarili,
Tanong na minsan sa isip sumasagi,
Pag tao'y nakakadama ng pag ibig na di mawari,
At kung masaktan kung sinu-sino nalang ang sinisisi.

Paano mo malalaman na mali o tama ang iyong ginagawa,
Kung sa isip mo ay mahal mo lang siya talaga,
At lahat handang gawin para sa kanya,
Kahit kapalit nito ay mapahamak ang noo'y bata pa.

Di maitanggi na ang sanggol na nuon saklong ng ina at ama,
Ay lumalaki na at sa paglipad ay nagsisimula na,
Di na maikakaila na siya'y nagmamahal na nga,
Gagawin ang lahat mali man pero sa pag ibig ito ang tama.

No comments:

Post a Comment