Sunday, May 22, 2011

Ang Layo Mo Na

April 23, 2011
Earl_07

Noon, akala ko kaibigan lang ang tingin sa iyo,
Ng kaklase mong pinagkakatiwalaan ko,
Ngunit nagkamali ako sa aking pagkatanto,
Sapagkat ngayon, siya na pala isang karibal ko.


Maraming beses na tinanong kita,
Kung sino ang kachat sa facebook mo noong una,
Sagot mo naman yong kaibigang panagkakatiwala,
At sa text din sagot mo, ako at siya,

Ngayon sinabi mo sa akin,
Na siya ay nagtapat na ng kanyang damdamin,
Simula noon, di kana masyadong malambing,
At ikay unti-unting lumalayo sa akin.

Iba na ang lahat talaga,
Sapagkat sa akin, pagtetext ay nawawala na,
At tinatanong ko yung isa,
Kayo ay nagtetext pa pala.

Wari'y kumikirot ang puso ko sinta,
Masakit ang epekto sa akin nito tuwina,
Di na makakain ng husto o makatulog ng maaga,
Kasi sa iba ay sobrang lapit mo na.

Gusto kung labanan siya,
Ngunit alam kong talo lang ang aking mapapala,
Sapagkat sa yaman wala akong maipagpapasiga,
At sa hitsura, malaki ang lamang niya.

Sa huli, ngayong nalaman ko na,
Na ang lahat na dahilan bakit sakit ay nadarama,
Dahil sa kantsaw ng Magaling na guro mo sayo noong una,
Kaya nahulog ang siya sa iyo at ika'y sakin ay biglang lumayo na.

No comments:

Post a Comment