Sunday, May 22, 2011

Kaarawan


May 07, 2011
Real_07

Ngayon ang araw at buwan na akoy iniluwal,
Ng aking Ina mula sa kanyang sinapupunanan
Tiniis niya ang sakit na nararamdaman
Para lamang akoy maisilang at makita ko ang sanlibutan

Dalawamput isang taong nakalipas
Pumanaw na ang taong sa akin ay nagsilang
Si Ama at aking ate nalang aking kasama
At ang araw na itoy aking kaarawan.

Iba na ang lahat sa aming buhay,
Sapagkat wala na ang presensiya ni Inay,
Akoy nangunulila sa taong aking karamay
Kaya nga akoy naghahanap nalang ng taong magmamahal sa akin ng tunay.

No comments:

Post a Comment