Sunday, May 22, 2011

Patay na Humihinga

April 21, 2011
by : The Real 07


Hindi ako isang manunulat
o isang makata na nakakagulat
kundi, ako'y isang simpleng tao lamang
na umiibig sa taong di dapat.

Akoy napaisip, kumuha ng bolpen at sulatan
Isinulat mga bagay bagay na nararamdaman
Sapagkat ang dinadalay di na makakayanan
Kaya sa pagsulat itoy dinadaan


Sa kasaysayan ng aking buhay
Mga kasiyahan, Kalungkutan, talo at tagumpay
Mga poblema, pagplano, mga pagtutupad nito
Akala ng bida ay madali ngunit di pala kontrolado.

Maraming mga Juliet na dumating sa eksena
Silay iibigin at gagawing prinsisa
Lahat ginagawa para lamang mapasaya
Pero di parin sapat para di mag iisa

Oo, may ka-love team na sana,
Subalit di sapat para maiwasan ang kontrabida
Dumating ang kawatan, minamahal ay kinuha
Sa dulo pay iniwang sugatan ang ating bida.

Sugat na sanhi ng espadang mas matalas sa espadang pang eskrima
Na ang dulot ay tagos sa pusot kaluluwa,
Kawawang bida, kahit pagtayo ay di na magawa
Buhay na patay, patay na humihinga.

No comments:

Post a Comment