Sunday, May 22, 2011

Masaya kana ba?

April 22, 2011
Real_07


Masaya kanaba?
Na sa akin ikay malayo na?
Di ko naman matanong ang mga tala,
Sapagkat di sila nakapagsasalita.

Isang araw na lumipas,
Na ang lahat ay bilang kumupas,
Naglaho, nag-iba at nawala,
Ngayon di na makita.

Sinuko ang lahat,
Para maipakita na tapat,
Subalit ang lahat ay di sapat
Para pag-ibig ay maglapat.

Iba na pala ang nagmamay-ari,
Siya na pala ang naghahari,
Sa iyo, ako ay isang gapi,
Na ang lahat ngayon sa akin ay pighati.

Ako ngayon ay isang uhaw,
Nakatitig sa langit na bughaw,
Na ang kalungkutan sa akin ay umaapaw,
Ang masaya mong ngiti di ko natatanaw.

No comments:

Post a Comment