Sunday, May 22, 2011

Di matapostapos na tula

by: Real_07


Bakit ang galit ay di ko magawa,
Ang lahat na selos di ko maipakita,
Aking dinaramdam di ako makapagsalita,
Sa tuwing andiyan ka na, duwag na aking dila.

Ang totoo ako ay maligaya,
Tumatalon, kumakabog aking kaluluwa,
Sa kaligayahan na hatid mo sinta,
Sa bawat oras na ikay kasama.

Palaging iniisip ka,
Nagbabadya ang lahat na pangamba,
Nagseselos kung may katext kang iba,
At kung ikay katext kasiyahan ang dala.

Gusto kong malaman mo,
Na walang minuto,
Na kinalimutan ko,
Ang lahat nasayo.

Alam kong di ako karapatdapat,
Na mahalin mo nang tapat,
Ngunit hiling ko ay wag ipagkait,
Ang mahalin ka kahit lang yan lang ang makamit.

Di matapostapos na tula,
Sapagkat puso ay marami ang dala,
sa pagsulat di na nga magawa,
Sa isip ko anu pa kaya?

No comments:

Post a Comment