Monday, May 23, 2011

Mayo Disesyete

May 17, 2011
Real_07


Ala syete ng gabi,
nang sinimulang ginamit aking guniguni,
Walang ibang nariring na mga huni,
Kundi ang kabog lang ng puso sa tainga sumasasagi.

Disesyete, Martes, buwan ng Mayo,
Sa laptop nakaharap ako,
Tinatype ang nasa puso,
Lahat na bagay na walang halong biro.

Akoy bingi sa aking utak,
Sinusunod ang nasa damdaming nakalatak,
Na kahit man ang tama ay tagak,
Haharapin ko kahit akoy masasaksak.

Di na maitatanggi ang aking kalungkutan
Di mawaring pakiramdam
Sapagkat matagaltagal narin kitang di naghagkan,
Alam mo namang ang tanging ikaw ang aking kaligayahan.

No comments:

Post a Comment