Monday, May 23, 2011

Pampaantok

May 19,2011
Real_07

Ingay na gawa ng mga palaka,
Ingay ng mga ulang tumutulo pa isa-isa,
Ingay ng sipong sa ilong nagmumula,
Ingay ng mga bagay sa isipay di mawala.

Sa isip kahit anong bagay ang tumatakbo,
Di maipikit mg matang inaantok,
Kahit anong sinusulat kahit di sigurado,
Basta sa akin itoy pasok.

Gabi na, mga alas nyebe kwarenta,
Walang text na natatanggap maski isa,
Kaya sa pagsulat nalang gingawa,
Ang sakit,lungkot, kirot at luha.

Mga gamit na ilaw ay sa cellphone nagmumula,
Pilit na sumusulat kahit matay naduduling,
Ang bawat salita, ang pusoy inspirasyon,
Pagkamiss, mawala yun lang ang intensiyon.

No comments:

Post a Comment