Monday, May 23, 2011

Daing ng Isang Maralita

May 19,2011
Real_07@yahoo.com


Sa ilang pagkakataon,
Bibig ko aking tinikom,
Ingay ng pagmamahal koy isang talon,
Subalit pilit kong tinikom.

Datapwat ngayon, di na maitatago,
Ang usok at abo,
Di na maitatangi,
Ang bawat hiyaw ng aking mga labi.

Alipusta ng lipunan,
Ngunit puso kot isipan,
Sayo ako'y nanahan,
Na pag ibig koy iyong pagbigyan.

Ako'y nagmamahal sayo,
At para na ngang bihag sobra aking puso,
Nabitag ito at nabilanggo,
Para na ngang nagmumukhang gago.

Daing ng isang maralita,
Dinggin bawat kong salita,
Na hindi mo ipapalabas sa taingang kabila,
Upang maintandihan bawat kong diwa.

Ipaabot at hayaang tatagos,
Sa puso na siyang gagapos,
At maaangkin mong lubos,
Ang pagmamahal ng sinabi nilang busabos.

No comments:

Post a Comment